9“ ‘Sa lahat ng mga hayop na nabubuhay sa tubig, sa dagat man o tubig-tabang, puwede lamang ninyong kainin ang mga may palikpik at kaliskis.
10Ngunit anumang nasa dagat o tubig-tabang na walang palikpik at kaliskis ay hindi dapat kainin. Ang mga nilalang na ito ay dapat ituring na marumi. Hindi ninyo sila dapat kainin at huwag din ninyong hipuin ang bangkay ng mga hayop na ito.