1Sinabi ng Panginoon kay Moises,
2“Sabihin mo sa mga Israelita: ‘Kung ang isang babae ay nanganak ng lalaki, siyaʼy ituturing na marumi sa loob ng pitong araw, tulad nang panahong siya ay may buwanang dalaw.
3Sa ikawalong araw, tutuliin ang kanyang anak.
4Dahil sa siyaʼy dinudugo pa, maghihintay pa siya hanggang lumipas ang tatlumpuʼt tatlong araw bago siya ituring na malinis dahil sa dugo ng panganganak. Hindi siya maaaring humipo ng kahit anong bagay na sagrado at hindi siya maaaring pumunta sa santuwaryo hanggang sa matapos ang kanyang paglilinis.