Leviticus 14

“Kukunin ng pari ang isang lalaking tupa at ang isang basong langis ng olibo, at ihahandog niya ito bilang handog na kabayaran ng pagkakasala. Pagkatapos, itataas niya ito sa presensya Panginoon bilang handog na itinataas.

10“Sa ikawalong araw, kinakailangang magdala siya ng dalawang lalaking tupa at isang babaeng tupa na isang taóng gulang, at walang kapintasan. Magdala rin siya ng tatlong kilo ng magandang klaseng harina na hinaluan ng langis ng olibo bilang handog na pagkaing butil sa Panginoon. At magdala rin siya ng isang basong langis ng olibo.

11Pagkatapos, dadalhin ng pari ang tao at ang kanyang handog sa presensya ng Panginoon malapit sa pintuan ng Toldang Tipanan. Ang paring ito ang magsasabi kung malinis na siya.

12“Kukunin ng pari ang isang lalaking tupa at ang isang basong langis ng olibo, at ihahandog niya ito bilang handog na kabayaran ng pagkakasala. Pagkatapos, itataas niya ito sa presensya Panginoon bilang handog na itinataas.

13At papatayin niya ang tupa sa banal na lugar, doon sa katayan ng mga handog para sa kasalanan at handog na sinusunog. Ang tupang ito ay napakabanal, at ito ay para sa mga pari, katulad ng handog bilang kabayaran ng pagkakasala.

14Pagkatapos, kukuha ang pari ng dugo ng tupang handog bilang kabayaran ng pagkakasala at ipapahid ito sa ibabang bahagi ng kanang tainga ng taong naghandog upang maituring siyang malinis, gayundin sa kanyang kanang hinlalaki sa kamay at paa.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.