14Pagkatapos, kukuha ang pari ng dugo ng tupang handog bilang kabayaran ng pagkakasala at ipapahid ito sa ibabang bahagi ng kanang tainga ng taong naghandog upang maituring siyang malinis, gayundin sa kanyang kanang hinlalaki sa kamay at paa.
15Kukuha rin ang pari ng langis ng olibo at magbubuhos sa kanyang kaliwang palad,
16at ilulubog niya sa langis ng olibo ang mga daliri niya sa kanang kamay at iwiwisik ng pitong beses sa presensya ng Panginoon.
17Ang natitirang langis ng olibo sa kanyang palad ay ipapahid niya sa taong lilinisin, sa ibabang bahagi ng kanang tainga at kanang hinlalaki ng kamay at paa kung saan ipinahid ang dugo ng handog para sa pagkakasala.
18Ang natitira pang langis ng olibo sa palad ng pari ay ipapahid niya sa ulo ng taong lilinisin at ito ang magsisilbing kabayaran sa kasalanan ng taong iyon sa harapan ng Panginoon.