Leviticus 14

Magdadala rin siya ng dalawang kalapati o dalawang ibon na batu-bato, alinman ang makayanan niya sa mga ito. Ang isaʼy bilang handog para sa kasalanan at ang isa naman ay bilang handog na sinusunog.

20Ihahandog niya ito sa altar pati ang handog na pagkaing butil. Ganito ang gagawin ng pari sa presensya ng Panginoon para matubos ang karumihan ng tao at pagkatapos ay maituturing na siyang malinis.

21“Ngunit kung mahirap ang tao at hindi niya kayang maghandog ng mga ito, magdala siya ng isang lalaking tupa bilang handog bilang kabayaran ng pagkakasala. Itataas niya ang handog na ito sa Panginoon para matubos siya sa kanyang kasalanan. Magdadala rin siya ng dalawang kilo ng magandang klaseng harina na may halong langis ng olibo bilang handog na pagkaing butil sa Panginoon. At magdadala pa siya ng isang basong langis ng olibo.

22Magdadala rin siya ng dalawang kalapati o dalawang ibon na batu-bato, alinman ang makayanan niya sa mga ito. Ang isaʼy bilang handog para sa kasalanan at ang isa naman ay bilang handog na sinusunog.

23“Sa ikawalong araw, ang lahat ng handog na itoʼy dadalhin niya sa may pintuan ng Toldang Tipanan upang linisin, sa harapan ng Panginoon. At ibibigay niya ito sa pari.

24Kukunin ng pari ang tupang ihahandog bilang kabayaran ng pagkakasala at ang isang basong langis ng olibo, at itataas niya iyon sa presensya ng Panginoon bilang handog na itinataas.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.