Leviticus 14

Pagkatapos, papatayin niya ang tupa at kukuha siya ng dugo nito at ipapahid sa ibabang bahagi ng kanang tainga ng taong nililinis at sa hinlalaki nito sa kanang kamay at paa.

23“Sa ikawalong araw, ang lahat ng handog na itoʼy dadalhin niya sa may pintuan ng Toldang Tipanan upang linisin, sa harapan ng Panginoon. At ibibigay niya ito sa pari.

24Kukunin ng pari ang tupang ihahandog bilang kabayaran ng pagkakasala at ang isang basong langis ng olibo, at itataas niya iyon sa presensya ng Panginoon bilang handog na itinataas.

25Pagkatapos, papatayin niya ang tupa at kukuha siya ng dugo nito at ipapahid sa ibabang bahagi ng kanang tainga ng taong nililinis at sa hinlalaki nito sa kanang kamay at paa.

26Pagkatapos, maglalagay ang pari ng langis ng olibo sa kanyang kaliwang palad,

27at ilulubog niya sa langis ng olibo ang mga daliri sa kanang kamay at iwiwisik ng pitong beses sa presensya ng Panginoon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.