29Ang natirang langis ng olibo sa palad ng pari ay ipapahid sa ulo ng taong nililinis. Ito ang gagawin ng pari upang matubos ang kasalanan ng taong iyon sa harapan ng Panginoon.
30Pagkatapos, ihahandog ng pari ang dalawang kalapati o dalawang ibon na batu-bato, depende sa kakayanan ng taong nag-aalay;
31ang isaʼy handog para sa kasalanan at ang isaʼy handog na sinusunog. Ihahandog din niya ang handog na pagkaing butil. Sa pamamagitan ng gagawing ito ng pari, matutubos ang taong nililinis sa kanyang kasalanan, sa harapan ng Panginoon.”
32Ito ang mga tuntunin tungkol sa paglilinis ng taong may sakit sa balat na walang kakayanang ibigay ang nararapat na handog para sa kasalanan.
33Sinabi ng Panginoon kina Moises at Aaron