30Ihahandog ng pari ang isa bilang handog para sa kasalanan at ang isaʼy bilang handog na sinusunog. Ganito ang paraan na gagawin ng pari sa presensya ng Panginoon upang maalis ang karumihan ng babae dahil sa buwanan niyang dalaw at magiging malinis na siya.
31“ ‘Kailangang ilayo ninyo ang mga Israelita sa mga bagay na magpaparumi sa kanila, upang hindi sila mamatay kapag lumapit sila sa aking Tolda, na nasa gitna ng kampo.
32“ ‘Ito ang mga tuntunin tungkol sa lalaking naging marumi dahil may lumalabas sa ari niya dahil sa sakit o kayaʼy nilalabasan ng kanyang binhi,
33at tungkol sa babaeng dinudugo sa panahon ng buwanang dalaw o dinudugo bago ang kanyang buwanang dalaw, at tungkol sa lalaking sumisiping sa babaeng itinuturing na marumi.’ ”