Leviticus 19

Kapag dumating na kayo sa lupaing ibibigay ko sa inyo, huwag ninyong kakainin ang bunga ng mga punongkahoy na inyong itinanim sa loob ng tatlong taon. Ituring ninyong marumi iyon.

21Kinakailangang magdala ang lalaki ng lalaking tupa malapit sa may pintuan ng Toldang Tipanan bilang handog na kabayaran ng kanyang pagkakasala sa Panginoon. Sa paghahandog ng pari ng tupang iyon sa aking harapan, ituturing kong malinis ang lalaking iyon sa kanyang kasalanan at patatawarin ko siya.

23Kapag dumating na kayo sa lupaing ibibigay ko sa inyo, huwag ninyong kakainin ang bunga ng mga punongkahoy na inyong itinanim sa loob ng tatlong taon. Ituring ninyong marumi iyon.

24Sa ikaapat na taon, ang lahat ng bunga ay ituturing na banal, ihandog ninyo ito sa akin na inyong Panginoon bilang papuri sa akin kaya huwag ninyo itong kakainin.

25Sa ikalimang taon, makakain na ninyo ang mga bunga ng inyong mga pananim. At kung susundin ninyo ang tuntuning ito, magiging sagana ang bunga ng inyong mga pananim. Ako ang Panginoon na inyong Diyos.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.