Leviticus 19

Kung magluluksa kayo, huwag ninyong pagugupitan ang inyong buhok sa palibot ng inyong ulo o magpuputol ng inyong balbas.

25Sa ikalimang taon, makakain na ninyo ang mga bunga ng inyong mga pananim. At kung susundin ninyo ang tuntuning ito, magiging sagana ang bunga ng inyong mga pananim. Ako ang Panginoon na inyong Diyos.

26Huwag kayong kakain ng karneng may dugo pa. Huwag ninyong gagawin ang ginagawa ng mga manghuhula at mangkukulam.

27Kung magluluksa kayo, huwag ninyong pagugupitan ang inyong buhok sa palibot ng inyong ulo o magpuputol ng inyong balbas.

28At huwag din ninyong susugatan ang inyong katawan. Huwag din kayong magpapatatu. Ako ang Panginoon.

29Huwag ninyong ilagay sa kahihiyan ang inyong anak na babae sa pamamagitan ng pagpilit sa kanila na ipagbili ang kanilang sarili para sa panandaliang aliw, dahil ito ang magiging dahilan ng paglaganap ng kasamaan sa inyong bayan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.