1Inutusan ng Panginoon si Moises
2na sabihin ito sa lahat ng mamamayan ng Israel: Magpakabanal kayo dahil ako ang Panginoon na inyong Diyos ay banal.
3Dapat ninyong igalang ang inyong ina at ama. Sundin ninyo ang ipinapagawa ko sa inyo sa Araw ng Pamamahinga. Ako ang Panginoon na inyong Diyos.
4Huwag kayong sasamba sa mga diyos-diyosan o gagawa ng mga imahen nila. Ako ang Panginoon na inyong Diyos.
5Kung mag-aalay kayo ng handog pangkapayapaan sa akin na inyong Panginoon, ialay ninyo ito sa paraang katanggap-tanggap sa akin.