Leviticus 19

Sundin ninyo ang ipinapagawa ko sa inyo sa Araw ng Pamamahinga, at igalang ninyo ang aking santuwaryo. Ako ang Panginoon.

28At huwag din ninyong susugatan ang inyong katawan. Huwag din kayong magpapatatu. Ako ang Panginoon.

29Huwag ninyong ilagay sa kahihiyan ang inyong anak na babae sa pamamagitan ng pagpilit sa kanila na ipagbili ang kanilang sarili para sa panandaliang aliw, dahil ito ang magiging dahilan ng paglaganap ng kasamaan sa inyong bayan.

30Sundin ninyo ang ipinapagawa ko sa inyo sa Araw ng Pamamahinga, at igalang ninyo ang aking santuwaryo. Ako ang Panginoon.

31Huwag kayong sasangguni sa mga espiritistang nakikipag-usap sa kaluluwa ng mga patay, dahil kapag ginawa ninyo ito, ituturing kayo na marumi. Ako ang Panginoon na inyong Diyos.

32Igalang ninyo ang matatanda. Igalang nʼyo ako na inyong Diyos, ako ang Panginoon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.