33Huwag ninyong aapihin ang mga dayuhang naninirahang kasama ninyo.
34Ituring ninyo silang gaya ng inyong mga kababayan at ibigin ninyo sila gaya ng sa inyong sarili, dahil kayo rin noon ay naging mga dayuhan sa Ehipto. Ako ang Panginoon na inyong Diyos.
35Huwag kayong mandadaya sa inyong pagtitimbang, pagsukat at pagtatakal.
36Gamitin ninyo ang tamang timbangan, sukatan, o takalan. Ako ang Panginoon na inyong Diyos na naglabas sa inyo sa Ehipto. Sundin ninyo ang lahat ng tuntunin at utos ko. Ako ang Panginoon.