5Kung mag-aalay kayo ng handog pangkapayapaan sa akin na inyong Panginoon, ialay ninyo ito sa paraang katanggap-tanggap sa akin.
6Kainin ninyo ito sa araw ding iyon o sa kinabukasan. Ngunit kung may matitira pa sa pangatlong araw, sunugin na ninyo ito.
7Kapag sa ikatlong araw ay kinain pa ninyo ito, hindi ko na ito tatanggapin dahil itoʼy karumal-dumal na.
8At ang sinumang kumain nito ay mananagot dahil binalewala niya ang banal na bagay na para sa akin na inyong Panginoon, kaya ang taong iyon ay huwag na ninyong ituring na kababayan.
9Kung mag-aani kayo, huwag ninyong uubusin ang mga nasa gilid ng inyong bukirin, at huwag na ninyong balikan para pulutin ang mga natira.