13Lagyan ninyo ng asin ang lahat ng inyong handog na pagkaing butil, dahil ang asin ay tanda ng inyong walang hanggang kasunduan sa Panginoon. Kaya lagyan ninyo ng asin ang lahat ng inyong handog na pagkaing butil.
14“ ‘Kung ang iaalay ninyo sa Panginoon ay handog mula sa unang ani ninyo, maghandog kayo ng mga giniling na butil na binusa.
15Lagyan ninyo ito ng langis ng olibo at insenso. Itoʼy handog na pagkaing butil.
16At mula sa handog na itoʼy kukuha ang pari ng giniling na butil na nilagyan ng langis ng olibo at insenso at susunugin bilang palatandaan na ito ay handog sa Panginoon. Itoʼy handog sa pamamagitan ng apoy para sa Panginoon.’ ”