17“Sabihin mo kay Aaron: ‘Hanggang sa susunod pang mga henerasyon, walang sinumang may kapansanan sa iyong angkan ang makakalapit para maghandog ng mga handog na pagkain sa akin, ang Panginoon na kanyang Diyos.
18Hindi maaari ang bulag, pilay, may kapansanan ang mukha, may kapansanan ang isang bahagi ng katawan,
19bali ang paa o kamay,
20kuba, unano, may sakit sa mata o sa balat, o baog.
21Ang sinumang angkan ng paring si Aaron na may kapansanan ay hindi maaaring maghandog ng mga handog na pagkain sa akin na Panginoon, na kanyang Diyos.