27“Ang bagong ipinanganak na baka, tupa, o kambing ay dapat manatili sa kanyang ina sa loob ng pitong araw. Ngunit mula sa ikawalong araw, maaari na itong ialay bilang handog sa pamamagitan ng apoy.
28Huwag ninyong ihahandog nang sabay sa isang araw ang baka o tupa at ang kanyang anak.
29“Kung kayoʼy maghahandog ng handog ng pasasalamat sa Panginoon, sundin ninyo ang tamang paraan sa paghahandog nito para tanggapin ko ito.
30At dapat ninyo itong kainin sa araw ding iyon ng paghahandog at huwag kayong magtitira hanggang sa kinabukasan. Ako ang Panginoon.
31“Sundin ninyo ang aking mga utos. Ako ang Panginoon.