Leviticus 23

At sa ika-limampung araw, ang araw pagkatapos ng ikapitong Araw ng Pamamahinga, maghandog kayo dalawang tinapay na gawa sa apat na kilo ng magandang klaseng harina na may pampaalsa. Ihandog ninyo ito bilang handog na itinataas para sa Panginoon, mula sa inyong unang ani.

Leviticus 23:17 (UKJV) All of you shall bring out of your habitations two wave loaves of two tenth deals; they shall be of fine flour; they shall be baked with leaven; they are the first-fruits unto the LORD.

15“ ‘Pagkatapos ng pitong linggo mula sa araw na kayoʼy naghandog ng mga binigkis na ani bilang handog na itinataas,

16muli kayong magtipon at mag-alay sa Panginoon ng handog na pagkaing butil mula sa mga binigkis ng unang ani ninyo.

17At sa ika-limampung araw, ang araw pagkatapos ng ikapitong Araw ng Pamamahinga, maghandog kayo dalawang tinapay na gawa sa apat na kilo ng magandang klaseng harina na may pampaalsa. Ihandog ninyo ito bilang handog na itinataas para sa Panginoon, mula sa inyong unang ani.

18Kasama nito, magdala rin kayo ng pitong lalaking tupa na isang taóng gulang na walang kapansanan, isang batang toro, at dalawang lalaking tupa na walang kapintasan. Ihahandog ninyo ang mga ito bilang handog na sinusunog para sa Panginoon, kasama ng handog na pagkaing butil at handog na inumin. Itoʼy handog na pagkaing nakalulugod ang samyo sa Panginoon.

19Maghahandog din kayo ng isang lalaking kambing bilang handog para sa kasalanan, at dalawang tupa na tig-isang taóng gulang bilang handog pangkapayapaan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.