6At sa ika-15 araw ng buwan ding iyon, magsisimula naman ang Pista ng Tinapay na Walang Pampaalsa. Pitong araw ang pistang ito at sa mga araw na iyon, ang tinapay na kakainin ninyo ay dapat walang pampaalsa.
7Sa unang araw ng pistang ito, huwag kayong magtatrabaho, sa halip ay magtipon kayo at sumamba sa inyong Panginoon.
8Sa loob ng pitong araw, mag-aalay kayo sa kanya ng handog sa pamamagitan ng apoy. At sa ikapitong araw, huwag kayong magtatrabaho sa halip ay magtipon nga kayo at sumamba sa akin na inyong Panginoon.’ ”
9Sinabi ng Panginoon kay Moises,
10“Sabihin mo ito sa mga Israelita: ‘Kapag naroon na kayo sa lupaing ibibigay sa inyo ng Panginoon at kayoʼy mag-aani, dadalhin ninyo sa pari ang unang bigkis ng bawat ani,