Leviticus 24

Lagyan ninyo ng purong insenso ang gilid ng bawat hanay. Ang insenso ang siyang magsisilbing palatandaan na ito ay handog sa Panginoon. Susunugin ito bilang handog sa pamamagitan ng apoy sa halip na ang tinapay.

Leviticus 24:7 (UKJV) And you shall put pure frankincense upon each row, that it may be on the bread for a memorial, even an offering made by fire unto the LORD.

5“Magluto kayo ng labindalawang pirasong tinapay, na ang bawat isa ay gawa sa apat na kilo ng magandang klaseng harina.

6Pagkatapos, ilagay ninyo ito sa mesang ginto sa presensya ng Panginoon. Ihanay ninyo ito ng dalawang hanay, tig-anim ang bawat hanay.

7Lagyan ninyo ng purong insenso ang gilid ng bawat hanay. Ang insenso ang siyang magsisilbing palatandaan na ito ay handog sa Panginoon. Susunugin ito bilang handog sa pamamagitan ng apoy sa halip na ang tinapay.

8Dapat laging maglagay ng tinapay sa presensya ng Panginoon tuwing Araw ng Pamamahinga. Itoʼy tungkulin ninyong mga Israelita magpakailanman.

9Ang mga tinapay na itoʼy para kay Aaron at sa kanyang angkan. Kakainin nila ito sa banal na lugar sa bakuran ng santuwaryo, dahil ito ang napakabanal na bahagi ng mga handog sa pamamagitan ng apoy para sa Panginoon, at itoʼy para sa kanila magpakailanman.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.