Leviticus 25

At maaari nʼyo silang ipamana sa inyong mga anak upang maglingkod sa kanila habang silaʼy nabubuhay. Ngunit huwag ninyong pagmalupitan ang inyong kapwa Israelita na alipin ninyo.

Leviticus 25:46 (UKJV) And all of you shall take them as an inheritance for your children after you, to inherit them for a possession; they shall be your bondmen for ever: but over your brethren the children of Israel, all of you shall not rule one over another with rigour.

44“ ‘Kung gusto ninyong kayoʼy may alipin, bumili kayo sa mga bansa sa palibot ninyo.

45Maaari rin kayong bumili ng mga dayuhang naninirahang kasama ninyo, o ng kanilang mga anak na ipinanganak sa inyong lugar. At ang mga aliping nabili ninyo sa kanila ay magiging pag-aari na ninyo.

46At maaari nʼyo silang ipamana sa inyong mga anak upang maglingkod sa kanila habang silaʼy nabubuhay. Ngunit huwag ninyong pagmalupitan ang inyong kapwa Israelita na alipin ninyo.

47“ ‘Kung sa labis na kahirapan ay ipinagbili ng isang Israelita ang kanyang sarili bilang alipin sa isang dayuhang naninirahang kasama ninyo, o sa kamag-anak ng dayuhang iyon,

48ang Israelitang iyon ay maaari pang tubusin kahit nabili na sila. Maaari siyang tubusin ng kanyang kapatid,

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.