17Pababayaan ko kayong matalo ng inyong mga kalaban, at kayoʼy sasakupin nitong mga napopoot sa inyo. At dahil sa takot ay tatakas kayo kahit walang humahabol sa inyo.
18“ ‘At kung hindi pa rin kayo makikinig sa akin, parurusahan ko kayo ng pitong beses.
19Aalisin ko ang katigasan ng inyong ulo sa pamamagitan ng hindi pagpapadala ng ulan sa inyo, kaya matitigang ang inyong mga lupain.
20Mawawalan ng kabuluhan ang inyong pagbabanat ng buto, dahil wala kayong aanihin sa inyong mga lupain at hindi rin mamumunga ang inyong mga punongkahoy.
21“ ‘At kung patuloy pa rin kayong hindi makikinig sa akin, dadagdagan ko pa ng pitong beses ang tindi ng parusa sa inyo.