20Mawawalan ng kabuluhan ang inyong pagbabanat ng buto, dahil wala kayong aanihin sa inyong mga lupain at hindi rin mamumunga ang inyong mga punongkahoy.
21“ ‘At kung patuloy pa rin kayong hindi makikinig sa akin, dadagdagan ko pa ng pitong beses ang tindi ng parusa sa inyo.
22Padadalhan ko kayo ng mababangis na hayop at papatayin nila ang inyong mga anak at mga alagang hayop. At dahil dito, kakaunti na lang ang matitira sa inyo at iilan-ilan na lang ang makikitang naglalakad sa daan ninyo.
23“ ‘Kung hindi pa rin kayo makikinig at patuloy pa rin na susuway sa akin,
24ako na ang makakalaban ninyo at parurusahan ko kayo ng pitong beses.