21At pagsapit ng Taon ng Pagpapalaya at Pagsasauli, ituturing na itong nakatalaga sa Panginoon, at hindi na niya mababawi pa. Iyon ay magiging pag-aari na ng mga pari.
22“ ‘Kung ang inihandog naman sa Panginoon ay lupang binili, at hindi pag-aari ng pamilya ng naghandog,
23itoʼy bibigyan ng halaga ng pari ayon sa dami ng natitirang taon bago dumating ang Taon ng Pagpapalaya at Pagsasauli. Dapat itong tubusin ng taong iyon. At ang halagang itinubos ay sa Panginoon na.
24Sa Taon ng Pagpapalaya at Pagsasauli, ang nasabing lupain ay isasauli sa may-ari na nagbenta ng lupaing iyon.
25Ang lahat ng halaga ng mga ito na inihandog sa Panginoon ay kinakailangang ayon sa bigat ng pilak sa timbangang ginagamit ng mga pari.