30Ilulubog ng pari ang kanyang daliri sa dugo ng kambing at ipapahid sa parang sungay sa mga sulok ng altar kung saan sinusunog ang handog na sinusunog. At ang natitirang dugo ay ibubuhos niya sa ilalim ng altar.
31Pagkatapos, kukunin niya ang lahat ng taba ng kambing katulad ng ginawa niya sa hayop na handog pangkapayapaan. At susunugin niya sa altar ang taba bilang handog na nakalulugod ang samyo sa Panginoon. Sa pamamagitan ng gagawing ito ng pari, lilinisin ang tao sa kanyang mga kasalanan at siyaʼy patatawarin.
32“ ‘Kapag tupa naman ang iaalay ng tao bilang handog para sa kasalanan, kinakailangang itoʼy babaeng tupa na walang kapintasan.
33Ipapatong niya ang kanyang kamay sa ulo ng tupa at papatayin ito bilang handog para sa kasalanan sa dakong patayan ng mga hayop na handog na sinusunog.
34Ilulubog ng pari ang kanyang daliri sa dugo ng tupang handog para sa kasalanan at ipapahid sa parang sungay sa mga sulok ng altar kung saan sinusunog ang handog na sinusunog. Ang natitirang dugo ay ibubuhos niya sa ilalim ng altar.