30At ang bahaging iyon ng handog na pagkain ay dadalhin mismo ng maghahandog sa altar upang ialay sa Panginoon; ang taba at pitso ng hayop, at itataas niya ang pitso sa presensya ng Panginoon bilang handog na itinataas.
31Pagkatapos, susunugin ng paring namumuno ng seremonya ang taba sa altar, pero ang pitso ay para kay Aaron at sa kanyang angkan.
32Ang kanang hita ng hayop na inihandog bilang handog pangkapayapaan ay ibibigay sa paring naghahandog ng dugo at taba nito.
34Sapagkat ibinigay ng Panginoon ang pitso at paa ng inyong handog sa paring si Aaron at sa kanyang mga angkan. Ito ang bahaging para sa kanila magpakailanman.’ ”