Leviticus 9

Sinabi ni Moises kay Aaron, “Kumuha ka ng isang batang toro, at isang lalaking tupa na parehong walang kapintasan, at ihandog sa Panginoon. Ang baka ay handog para sa kasalanan, at ang tupa ay handog na sinusunog.

1Nang ikawalong araw, pagkatapos ng pagtatalaga, ipinatawag ni Moises si Aaron, ang mga anak niyang lalaki at ang mga tagapamahala ng Israel.

2Sinabi ni Moises kay Aaron, “Kumuha ka ng isang batang toro, at isang lalaking tupa na parehong walang kapintasan, at ihandog sa Panginoon. Ang baka ay handog para sa kasalanan, at ang tupa ay handog na sinusunog.

3Sabihin mo sa mga Israelita na magdala sila ng lalaking kambing bilang handog para sa kasalanan. At magdala rin sila ng toro at tupa na kapwa isang taon at walang kapintasan, at ihandog bilang handog na sinusunog.

4Kumuha rin sila ng isang toro at lalaking tupa bilang handog pangkapayapaan. Ihahandog nila ito kasama ng handog na butil na may halong langis ng olibo, dahil magpapakita ang Panginoon sa inyo sa araw na ito.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.