Leviticus 9

Kaya dinala nila roon sa harap ng Toldang Tipanan ang lahat ng dadalhin ayon sa sinabi ni Moises sa kanila. At silang lahat ay nagtipon doon sa presensya ng Panginoon.

3Sabihin mo sa mga Israelita na magdala sila ng lalaking kambing bilang handog para sa kasalanan. At magdala rin sila ng toro at tupa na kapwa isang taon at walang kapintasan, at ihandog bilang handog na sinusunog.

4Kumuha rin sila ng isang toro at lalaking tupa bilang handog pangkapayapaan. Ihahandog nila ito kasama ng handog na butil na may halong langis ng olibo, dahil magpapakita ang Panginoon sa inyo sa araw na ito.”

5Kaya dinala nila roon sa harap ng Toldang Tipanan ang lahat ng dadalhin ayon sa sinabi ni Moises sa kanila. At silang lahat ay nagtipon doon sa presensya ng Panginoon.

6Sinabi ni Moises sa kanila, “Inuutusan kayo ng Panginoon na gawin ninyo ang paghahandog na ito para ipakita niya sa inyo ang kanyang kapangyarihan.”

7Pagkatapos, sinabi niya kay Aaron, “Lumapit ka sa altar at ialay mo ang iyong handog para sa kasalanan at handog na sinusunog para matubos ka at ang sambahayan mo sa inyong mga kasalanan. At ialay mo rin ang handog ng mga tao para sila rin ay matubos sa kanilang mga kasalanan ayon sa iniutos ng Panginoon.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.