Lucas 1

Ngunit sinabi sa kanya ng anghel, “Huwag kang matakot, Zacarias! Dininig ng Diyos ang panalangin mo. Magkakaanak ng isang lalaki ang asawa mong si Elisabet, at Juan ang ipapangalan mo sa kanya.

Luke 1:13 (UKJV) But the angel said unto him, Fear not, Zacharias: for your prayer is heard; and your wife Elisabeth shall bear you a son, and you shall call his name John.

11Biglang nagpakita kay Zacarias ang isang anghel ng Panginoon. Nakatayo ang anghel sa bandang kanan ng altar na pinagsusunugan ng insenso.

12Nabagabag at natakot si Zacarias nang makita niya ang anghel.

13Ngunit sinabi sa kanya ng anghel, “Huwag kang matakot, Zacarias! Dininig ng Diyos ang panalangin mo. Magkakaanak ng isang lalaki ang asawa mong si Elisabet, at Juan ang ipapangalan mo sa kanya.

14Matutuwa kayo at magiging maligaya dahil sa kanya, at marami ang magagalak sa pagsilang niya,

15dahil magiging dakila siya sa mata ng Panginoon. Hindi siya dapat uminom ng alak o anumang inuming nakakalasing. Sa sinapupunan pa lang ng kanyang ina ay mapupuspos na siya ng Banal na Espiritu.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.