Lucas 1

Nang lumabas siya, hindi na siya makapagsalita at sumesenyas na lang siya. Kaya napagtanto nilang may nakita siyang pangitain sa loob ng templo. At mula noon ay naging pipi na siya.

Luke 1:22 (UKJV) And when he came out, he could not speak unto them: and they perceived that he had seen a vision in the temple: for he beckoned unto them, and remained speechless.

20Ngunit dahil hindi ka naniwala sa sinabi ko, magiging pipi ka. Hindi ka makakapagsalita hanggaʼt hindi natutupad ang sinabi ko sa iyo. Sapagkat tiyak na mangyayari ang sinabi ko pagdating ng panahong itinakda ng Diyos.”

21Samantala, hinihintay ng mga tao ang paglabas ni Zacarias. Nagtataka sila kung bakit nagtagal siya sa loob ng templo.

22Nang lumabas siya, hindi na siya makapagsalita at sumesenyas na lang siya. Kaya napagtanto nilang may nakita siyang pangitain sa loob ng templo. At mula noon ay naging pipi na siya.

23Nang matapos na ang panahon ng kanyang paglilingkod, umuwi na si Zacarias.

24Hindi nagtagal, nagdalantao si Elisabet, at sa loob ng limang buwan ay hindi siya lumabas ng bahay.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.