Lucas 1

Sa ikaanim na buwan ng pagbubuntis ni Elisabet, inutusan ng Diyos ang anghel na si Gabriel na pumunta sa bayan ng Nazaret sa lalawigan ng Galilea.

Luke 1:26 (UKJV) And in the sixth month the angel Gabriel was sent from God unto a city of Galilee, named Nazareth,

24Hindi nagtagal, nagdalantao si Elisabet, at sa loob ng limang buwan ay hindi siya lumabas ng bahay.

25Sinabi niya, “Napakabuti ng Panginoon. Ngayoʼy inalis niya ang kahihiyan ko sa harap ng mga tao.”

26Sa ikaanim na buwan ng pagbubuntis ni Elisabet, inutusan ng Diyos ang anghel na si Gabriel na pumunta sa bayan ng Nazaret sa lalawigan ng Galilea.

27Pinapunta siya sa isang birhen na ang pangalan ay Maria. Nakatakda nang ikasal si Maria kay Jose na mula sa lahi ni Haring David.

28Sinabi ni Gabriel, “Maria, magalak ka! Ikaw na pinagpala ng Diyos. Sumasaiyo ang Panginoon.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.