Lucas 1

Matapos kong suriing mabuti ang lahat ng ito mula sa umpisa, minabuti kong sumulat din ng isang maayos na salaysay para sa iyo,

Luke 1:3 (UKJV) It seemed good to me also, having had perfect understanding of all things from the very first, to write unto you in order, most excellent Theophilus,

1Kagalang-galang na Teofilo: Marami na ang nagsikap na sumulat tungkol sa mga pangyayaring natupad sa kalagitnaan natin.

2Ang kanilang isinulat ay ayon sa itinuro sa amin ng mga taong nangaral ng salita ng Diyos at mismong saksi sa mga pangyayari mula pa noong una.

3Matapos kong suriing mabuti ang lahat ng ito mula sa umpisa, minabuti kong sumulat din ng isang maayos na salaysay para sa iyo,

4upang lubusan mong matiyak na totoo ang mga itinuro sa iyo.

5Noong si Herodes ang hari sa Judea, may isang pari na ang pangalan ay Zacarias na kabilang sa grupo ng mga pari na tinatawag na Grupo ni Abias. Ang asawa niya ay si Elisabet na kabilang din sa angkan ni Aaron.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.