Lucas 1

Nang marinig ni Elisabet ang pagbati ni Maria, gumalaw ang sanggol sa kanyang sinapupunan, at napuspos siya ng Banal na Espiritu.

Luke 1:41 (UKJV) And it came to pass, that, when Elisabeth heard the salutation of Mary, the babe leaped in her womb; and Elisabeth was filled with the Holy Spirit:

39Hindi nagtagal, nag-ayos si Maria at dali-daling pumunta sa isang bayan sa kabundukan ng Judea.

40Pagdating niya sa bahay nina Zacarias, binati niya si Elisabet.

41Nang marinig ni Elisabet ang pagbati ni Maria, gumalaw ang sanggol sa kanyang sinapupunan, at napuspos siya ng Banal na Espiritu.

42Napasigaw siya sa tuwa, “Higit kang pinagpala sa lahat ng babae, at pinagpala rin niya ang magiging anak mo!

43Isang malaking karangalan na dalawin ako ng ina ng aking Panginoon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.