Lucas 1

Silang dalawa ay kapwa matuwid sa harapan ng Diyos. Maingat nilang sinusunod ang lahat ng utos at mga tuntunin ng Panginoon.

Luke 1:6 (UKJV) And they were both righteous before God, walking in all the commandments and ordinances of the Lord blameless.

4upang lubusan mong matiyak na totoo ang mga itinuro sa iyo.

5Noong si Herodes ang hari sa Judea, may isang pari na ang pangalan ay Zacarias na kabilang sa grupo ng mga pari na tinatawag na Grupo ni Abias. Ang asawa niya ay si Elisabet na kabilang din sa angkan ni Aaron.

6Silang dalawa ay kapwa matuwid sa harapan ng Diyos. Maingat nilang sinusunod ang lahat ng utos at mga tuntunin ng Panginoon.

7Wala silang anak dahil baog si Elisabet, at matanda na silang pareho.

8Isang araw, naglilingkod si Zacarias sa Templo bilang pari dahil ang grupo niya ang nakatalagang manungkulan noong linggong iyon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.