77Ituturo mo sa kanyang mga mamamayan kung paano sila maliligtas sa pamamagitan ng kapatawaran ng kanilang mga kasalanan,
78dahil maawain at mapagmahal ang ating Diyos, ipapadala niya mula sa itaas ang Tagapagligtas tulad ng pagsikat ng araw,
79upang tanglawan ang mga taong nasa kadiliman at takot sa kamatayan. At tayoʼy patnubayan sa daan ng kapayapaan.”
80Lumaki ang batang si Juan at lumakas sa espiritu. Nanirahan siya sa ilang hanggang sa araw na nagsimula siyang mangaral sa mga Israelita.