Lucas 11

Ngunit may ilan sa kanila ang nagsabi, “Si Satanas na pinuno ng masasamáng espiritu ang nagbigay sa kanya ng kapangyarihang magpalayas ng masasamang espiritu!”

Luke 11:15 (UKJV) But some of them said, He casts out devils through Beelzebub the chief of the devils.

13Kung kayong masasama ay marunong magbigay ng mabubuting bagay sa mga anak ninyo, gaano pa kaya ang inyong Amang nasa langit! Ibibigay niya ang Banal na Espiritu sa mga humihingi sa kanya.”

14Minsan, nagpalayas si Hesus ng isang demonyo na naging sanhi ng pagkapipi ng lalaking sinaniban nito. Nang lumabas na ang demonyo, nakapagsalita na ang lalaki, at namangha ang mga tao.

15Ngunit may ilan sa kanila ang nagsabi, “Si Satanas na pinuno ng masasamáng espiritu ang nagbigay sa kanya ng kapangyarihang magpalayas ng masasamang espiritu!”

16Ang iba naman ay gustong subukin si Hesus, kaya hiniling nilang magpamalas siya ng tanda bilang patunay na sugo nga siya ng Diyos.

17Ngunit alam niya ang kanilang iniisip, kaya sinabi niya sa kanila, “Kung ang isang kaharian ay nagkakawatak-watak at nag-aaway-away, babagsak ito. Ganoon din kapag nag-aaway-away ang isang sambahayan, magkakawatak-watak ito.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.