Lucas 11

Kung si Satanas nga ang nagbigay sa akin ng kapangyarihang magpalayas ng masasamáng espiritu, sino naman ang nagbigay sa mga alagad ninyo ng kapangyarihang makapagpalayas din ng masasamang espiritu? Sila na rin ang nagpapatunay na mali kayo.

Luke 11:19 (UKJV) And if I by Beelzebub cast out devils, by whom do your sons cast them out? therefore shall they be your judges.

17Ngunit alam niya ang kanilang iniisip, kaya sinabi niya sa kanila, “Kung ang isang kaharian ay nagkakawatak-watak at nag-aaway-away, babagsak ito. Ganoon din kapag nag-aaway-away ang isang sambahayan, magkakawatak-watak ito.

18Kaya kung si Satanas at ang mga kampon niya ay nagkakawatak-watak at nag-aaway-away, paano mananatili ang kaharian niya? Tinatanong ko ito dahil sinasabi ninyong nagpapalayas ako ng masasamáng espiritu sa pamamagitan ng kapangyarihan ni Satanas.

19Kung si Satanas nga ang nagbigay sa akin ng kapangyarihang magpalayas ng masasamáng espiritu, sino naman ang nagbigay sa mga alagad ninyo ng kapangyarihang makapagpalayas din ng masasamang espiritu? Sila na rin ang nagpapatunay na mali kayo.

20Ngayon, kung nagpapalayas ako ng masasamáng espiritu sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Diyos, nangangahulugan ito na dumating na sa inyo ang paghahari ng Diyos.

21“Kung ang isang taong malakas at armado ang nagbabantay sa kanyang bahay, ligtas ang mga ari-arian niya.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.