Lucas 11

aalis siya at tatawag ng pito pang espiritu na mas masama kaysa sa kanya. Papasok sila sa taong iyon at doon maninirahan. Kaya lalo pang sásama ang kalagayan ng taong iyon kaysa sa dati.”

Luke 11:26 (UKJV) Then goes he, and takes to him seven other spirits more wicked than himself; and they enter in, and dwell there: and the last state of that man is worse than the first.

24“Kapag lumabas ang masamáng espiritu sa tao, gumagala ito sa mga tuyong lugar upang maghanap ng mapagpapahingahan. At kung wala siyang matagpuan ay iisipin na lang niyang bumalik sa kanyang pinanggalingan.

25Kung sa pagbabalik niya ay makita niyang malinis at maayos ang lahat,

26aalis siya at tatawag ng pito pang espiritu na mas masama kaysa sa kanya. Papasok sila sa taong iyon at doon maninirahan. Kaya lalo pang sásama ang kalagayan ng taong iyon kaysa sa dati.”

27Nagsasalita pa si Hesus nang biglang sumigaw ang isang babae sa gitna ng maraming tao, “Mapalad ang babaeng nagsilang at nagpasuso sa inyo!”

28Ngunit sumagot si Hesus, “Higit na mapalad ang mga nakikinig at sumusunod sa salita ng Diyos.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.