32Maging ang mga taga-Nineve ay tatayo rin sa Araw ng Paghuhukom at hahatulan ang henerasyong ito, dahil nagsisi sila nang mangaral sa kanila si Jonas; at ngayoʼy narito ang isang nakahihigit pa kay Jonas, na nangangaral sa inyo, pero ayaw ninyong magsisi.
33“Walang taong nagsisindi ng ilaw at pagkatapos ay itatago o tatakpan ito ng takalan. Sa halip, inilalagay ang ilaw sa patungan para magbigay-liwanag sa lahat ng pumapasok sa bahay.
34Ang mata ang nagsisilbing ilaw ng katawan. Kung malinaw ang mata mo, mapupuno ng liwanag ang buo mong katawan. Ngunit kung malabo ang mata mo, mapupuno ng kadiliman ang buo mong katawan.
35Kaya tiyakin mong mabuti, dahil baka ang liwanag na inaakala mong nasa sa iyo ay kadiliman pala.
36Kung naliwanagan ang buo mong katawan, at walang bahaging nadiliman, magiging maliwanag ang lahat, na parang may ilaw na lumiliwanag sa iyo.”