Lucas 11

“Nakakaawa kayong mga Pariseo! Ibinibigay nga ninyo ang ikapu ng mga pampalasa at mga gulay ninyo, ngunit kinakaligtaan naman ninyo ang pagiging makatarungan at ang pag-ibig sa Diyos. Magbigay kayo ng mga ikapu ninyo, pero huwag naman ninyong kaligtaang gawin ang mas mahalagang bagay.

Luke 11:42 (UKJV) But woe unto you, Pharisees! for all of you tithe mint and rue and all manner of herbs, and pass over judgment and the love of God: these ought all of you to have done, and not to leave the other undone.

40Mga mangmang! Hindi baʼt ang Diyos na gumawa ng labas, ang siya ring gumawa ng loob?

41Ngunit kung ibibigay ninyo bilang tulong sa mahihirap ang anumang nasa inyo, ang lahat ng bagay ay magiging malinis para sa inyo.

42“Nakakaawa kayong mga Pariseo! Ibinibigay nga ninyo ang ikapu ng mga pampalasa at mga gulay ninyo, ngunit kinakaligtaan naman ninyo ang pagiging makatarungan at ang pag-ibig sa Diyos. Magbigay kayo ng mga ikapu ninyo, pero huwag naman ninyong kaligtaang gawin ang mas mahalagang bagay.

43“Nakakaawa kayong mga Pariseo! Mahilig kayong umupo sa mga upuang pandangal sa mga sinagoga. At gustong-gusto ninyong batiin kayo at igalang sa matataong lugar.

44“Nakakaawa kayo! Sapagkat para kayong mga libingang walang palatandaan at nilalakaran lamang ng mga tao nang hindi nila nalalaman.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.