14Sumagot si Hesus, “Kaibigan, tagahatol ba ako o tagahati ng pag-aari ninyo?”
15Pagkatapos, sinabi rin niya sa kanila, “Mag-ingat kayo sa lahat ng uri ng kasakiman, dahil ang buhay ng tao ay hindi nasusukat sa dami ng kanyang pag-aari.”
16At ikinuwento niya ang talinghaga na ito: “May isang mayamang may bukirin na umani nang sagana.
17Sinabi niya sa kanyang sarili, ‘Ano kaya ang gagawin ko? Wala na akong mapaglagyan ng ani ko.’
18“At sinabi niya, ‘Alam ko na! Gigibain ko ang mga bodega ko at magpapagawa ako ng mas malaki, at doon ko ilalagay ang ani at mga ari-arian ko.