Lucas 12

“Naparito ako sa lupa upang magdala ng apoy at gusto ko sanang magliyab na ito.

Luke 12:49 (UKJV) I am come to send fire on the earth; and what will I, if it be already kindled?

47“Ang aliping nakakaalam ng kagustuhan ng amo niya ngunit hindi naghahanda at hindi gumagawa ng kanyang tungkulin ay tatanggap ng mabigat na parusa.

48At ang aliping hindi nakakaalam ng kagustuhan ng amo niya, at nakagawa ng kamalian ay parurusahan din, pero magaan lang. Ang binigyan ng marami ay hahanapan ng marami. Mas marami nga ang pananagutan ng pinagkatiwalaan ng mas marami.

49“Naparito ako sa lupa upang magdala ng apoy at gusto ko sanang magliyab na ito.

50Ngunit bago ito mangyari, may mga paghihirap na kailangan kong pagdaanan. At hindi ako mapapalagay hanggaʼt hindi ito natutupad.

51Akala ba ninyoʼy naparito ako upang magkaroon ng kapayapaan sa lupa? Ang totooʼy naparito ako upang magkaroon ng hidwaan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.