6Hindi baʼt napakamura lang ng halaga ng maya? Ngunit kahit isa sa kanila ay hindi nakakalimutan ng Diyos.
7Higit kayong mahalaga kaysa sa maraming maya. Kahit nga ang bilang ng buhok ninyo ay alam niya. Kaya huwag kayong matakot.
8“Sinasabi ko sa inyo, ang sinumang kumikilala sa akin bilang kanyang Panginoon sa harap ng mga tao, ang Anak ng Tao ay kikilala rin sa kanya sa harap ng mga anghel ng Diyos.
9Ngunit ang hindi kumikilala sa akin sa harap ng mga tao ay hindi ko rin kikilalanin sa harap ng mga anghel ng Diyos.
10Ang sinumang magsalita laban sa Anak ng Tao ay mapapatawad, ngunit ang magsalita ng kalapastanganan sa Banal na Espiritu ay hindi mapapatawad.