Lucas 13

Ganoon din ang labingwalong nabagsakan ng tore ng Siloam at namatay, ang akala ba ninyoʼy mas makasalanan sila kaysa sa ibang mga taga-Jerusalem?

Luke 13:4 (UKJV) Or those eighteen, upon whom the tower in Siloam fell, and slew them, think all of you that they were sinners above all men that dwelt in Jerusalem?

2Sinagot sila ni Hesus, “Ang akala nʼyo baʼy mas makasalanan sila kaysa sa ibang mga taga-Galilea dahil sa nangyari sa kanila?

3Hindi! Ngunit tinitiyak ko sa inyo: Mapapahamak din kayo tulad nila kung hindi ninyo pagsisisihan ang inyong mga kasalanan.

4Ganoon din ang labingwalong nabagsakan ng tore ng Siloam at namatay, ang akala ba ninyoʼy mas makasalanan sila kaysa sa ibang mga taga-Jerusalem?

5Hindi! Ngunit tinitiyak ko sa inyo: Mapapahamak din kayo tulad nila kung hindi nʼyo pagsisisihan ang mga kasalanan ninyo.”

6Pagkatapos, ikinuwento ni Hesus ang talinghaga na ito: “May isang taong may tanim na puno ng igos sa ubasan niya. Pinuntahan niya ito upang tingnan kung may bunga, pero wala siyang nakita.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.