11Sapagkat ang nagpapakataas ng kanyang sarili ay ibababa, at ang nagpapakababa ay itataas.”
12Pagkatapos, sinabi ni Hesus sa nag-imbita sa kanya, “Kung maghahanda ka, huwag lang ang mga kaibigan, kapatid, kamag-anak, at mayayamang kapitbahay ang imbitahin mo, dahil baka imbitahin ka rin nila, at sa ganooʼy nasuklian ka na sa ginawa mo.
13Kaya kung maghahanda ka, imbitahin mo rin ang mga mahihirap, mga lumpo, mga pilay at mga bulag.
14Sa ganoon ay pagpapalain ka, dahil kahit hindi ka nila masusuklian, gagantimpalaan ka ng Diyos sa araw ng muling pagkabuhay ng matutuwid.”
15Nang marinig iyon ng isa sa mga nakaupo sa may mesa, sinabi niya kay Hesus, “Pinagpala ang taong makakasalo sa handaan sa kaharian ng Diyos!”