21“Kaya umuwi ang alipin, at ibinalita ang lahat sa amo niya. Nagalit ang amo at inutusan niyang muli ang alipin niya, ‘Sige, pumunta ka sa mga kalsada at mga eskinita ng bayan at dalhin mo rito ang mga mahihirap, mga lumpo, mga bulag at mga pilay.’
22“Nang matupad iyon ng alipin, bumalik siya sa amo niya at sinabi, ‘Nagawa ko na po ang iniutos ninyo, pero maluwag pa.’
23“Kaya sinabi ng amo niya, ‘Pumunta ka sa mga kalsada at mga daan sa labas ng bayan at pilitin mong pumarito ang mga tao para mapuno ng panauhin ang bahay ko.
24Tinitiyak ko sa inyo, wala ni isa sa mga una kong inimbitahan ang makakatikim ng handa ko.’ ”
25Maraming tao ang sumáma kay Hesus sa paglalakbay niya. Lumingon siya sa kanila at sinabi,