32At kung sa palagay niyaʼy hindi niya kaya, magpapadala na lang siya ng mga kinatawan para makipagkasundo bago dumating ang kanyang kaaway.
33Gayundin naman, kung hindi ninyo magawang talikuran ang lahat ng nasa inyo ay hindi kayo maaaring maging alagad ko.
34“Mabuti ang asin, pero kung itoʼy mawalan ng lasa, wala nang magagawa para maibalik ang alat nito.
35Wala na itong pakinabang kahit ihalo sa dumi para maging pataba sa lupa, kaya itinatapon na lang ito ng mga tao. “Makinig ang sinumang may pandinig!”