Lucas 15

Nagbulung-bulungan ang mga Pariseo at mga tagapagturo ng Kautusan. Sabi nila, “Ang taong itoʼy tumatanggap ng mga makasalanan at kumakaing kasama nila.”

Luke 15:2 (UKJV) And the Pharisees and scribes murmured, saying, This man receives sinners, and eats with them.

1Maraming maniningil ng buwis at iba pang itinuturing na makasalanan ang pumunta kay Hesus upang makinig sa kanya.

2Nagbulung-bulungan ang mga Pariseo at mga tagapagturo ng Kautusan. Sabi nila, “Ang taong itoʼy tumatanggap ng mga makasalanan at kumakaing kasama nila.”

3Kaya nagkuwento si Hesus ng isang talinghaga sa kanila,

4“Kung kayo ay may isang daang tupa at nawala ang isa, ano ang gagawin ninyo? Hindi baʼt iiwan ninyo ang siyamnapuʼt siyam sa pastulan at hahanapin ang nawawala hanggang sa makita ninyo?

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.