33Sapagkat ang sinumang nagsisikap na iligtas ang kanyang buhay ay mawawalan nito. Ngunit ang sinumang mawawalan ng kanyang buhay alang-alang sa akin ay maililigtas ito.
34Sinasabi ko sa inyo, sa gabing iyon, may dalawang natutulog na magkatabi; kukunin ang isa at maiiwan ang isa.
35Sa dalawang babaeng magkasamang naggigiling, kukunin ang isa at maiiwan ang isa. [
36May dalawang lalaking nagtatrabaho sa bukid; kukunin ang isa at maiiwan ang isa.]”
37Tinanong siya ng mga alagad niya, “Saan po ito mangyayari, Panginoon?” Sumagot siya, “Kung saan may bangkay, doon nag-uumpukan ang mga buwitre.”