24Nang makita ni Hesus na nalungkot siya, sinabi niya, “Napakahirap para sa mayayaman ang makapasok sa kaharian ng Diyos.
25Mas madali pang makapasok ang isang kamelyo sa butas ng karayom kaysa sa makapasok ang isang mayaman sa kaharian ng Diyos.”
26Tinanong siya ng mga nakarinig nito, “Kung ganoon po, sino na lang ang maliligtas?”
27Sumagot si Hesus, “Ang imposible sa tao ay posible sa Diyos.”
28Sinabi ni Pedro, “Paano naman kami? Iniwan namin ang lahat upang sumunod sa inyo.”